Filipino: Wika ng Pagkakaisa
Ang
wikang Filipino, na siyang pambansang wika sa Pilipinas ay ang wikang ginagamit
sa lahat ng sulok ng bansa. Ito ang nagsisilbing sinturon upang maitali ang mga
mamamayan upang maging isa sila sa kanilang mga diwa, pangarap at kalsadang
tinutugpa. Mahirap na isipin kung walang sariling wika na magiging daan upang
magkabuklod-buklod ang mga hiwa-hiwalay na isla ng Pilipinas. Maaaring magdulot
ito ng mga kaguluhan at hindi pagkakaunawaan.
Ang
wika ay hindi lamang kumakatawan sa isang tao. Ito ay hindi lamang isang
sasakyan para sa pagpapahayag ng mga sariling saloobin, opinyon, mga personal
na obserbasyon at halaga ng kanyang mga katangian bagkus ay isang sisidlan na
siyang nagpapahayag ng mga aspeto ng isang komunidad o bansa. Ang wika ay
kumakatawan din sa pangunahing pagpaparating sa iba ng panlipunang
pagkakakilanlan. Sa maikling salita, ang wika ay tumutulong na mapanatili ang
mga damdamin ng kultura, sining at pagkabansa ng isang bayan.
Sa
paglipas ng panahon, mapatutunayan na ang wika ang siyang pinakamahalagang
sandata upang maiparating ng isang bansa sa kanyang mga mamamayan ang mga
pangyayari, kasaysayan at bahagi ng ekonomiya nito. Gayundin naman na ang wika
ang siyang sentro ng mga mamamayan upang maiparatibg sa kanilang pamahalaan ang
kanilang mga hinaing.
Malinaw
na ang wika ay isang mahalagang kasangkapan na ginagamit upang maiparating ang
mga nasasaloob na ideya at damdamin ng isang tao. Hindi lamang ito isang paraan
ng pakikipag-usap niya sa kapwa kundi ginagamit din niya upang makipagkaibigan,
makipagtalakayan at maibahagi ang kanyang iba't ibang opinyon at kaisipan. Sa
buong kasaysayan, maraming mga bagay, sitwasyon at pangyayari na tumutukoy sa
kahalagahan ng wika sa mga tao, sa kanyang kapaligiran at higit lalo na sa
kanyang bansa. Dapat Nating Gamitin ito!!
#BuwanNgWika2k14 #MABUHAY!
No comments:
Post a Comment